August 23rd, 2005
Another jeepney ride POSTED AT 08:06 PM Girl 1: May nagtanong nga sa akin kung saan daw ako nag-aaral, kung sa Miriam daw. Girl 2: Oo nga, parang pareho nga uniform natin sa kanila. Pero san ba yun? ….interrupt lang ah, hindi kaya pareho ng Miriam College ang uniform ng Trinity. Ang laki naman ng pagkakaiba noh. Haha. Girl 1: Ewan. Basta puro mayayaman doon eh. Ang yayaman kaya ng mga nag-aaral dun. Girl 2: Ay oo nga. Sabi nga ng mama ko. Girl 1: Sa susunod pag may nagtanong ulit sa akin, sasabihin ko.. OO! Haha. Para naman mayaman daw ako. Girl 2: Oo nga! Ako din ganon. Haha! So ako naman, pangiti-ngiti nalang. Then bigla ko nalang napansin, nakasabit pa pala sa handle ng bag ko yung I.D. ko na may I.D. lace ng Miriam College. (para mabilis sa pag-swipe, hindi na hahalungkatin sa bag. Haha) It’s just funny how other people think of my (former) school. Not all Knollers are that well off, like me. Hindi naman lahat ng nag-aaral dun mayaman na mayaman eh. So ibig sabihin, maraming mayaman sa Pilipinas kasi ang dami-daming nag-aaral sa MC, eh bakit mahirap parin ang Pinas?!! Haha. Haay.. I really miss Miriam. My teachers, my friends in the lower batches and the campus! Shet, pati siomai with quail egg, fiorgelato, yung pizza malapit sa Mr. Donut, buko shake, bacondog at cheese meatloaf sa likod ng pizza na malapit sa Mr. Donut lalong lalo na iced tea at Milo! Haay, sana meron ding caf na katulad ng caf ng MC sa UST. Eh wala namang caf dun eh… yung sa Colayco park lang yung “caf” na malapit sa building ko.. hindi pa caf yun. Anyway, today is our 10th monthsary. Our day started out fine but then something came up… and ayun, hindi na kami ok. Pero naayos din naman. Every monthsary nalang namin we always have too shallow misunderstandings and he will insist na it was all my fault. Lagi nalang ganun… may mangyayari, magtatampo siya, magagalit ako, magagalit din siya, iiyak ako, magtatampo siya then bati na kami. Shet talaga, ang ewan na.. pero hmph, mahal ko parin siya. fall into me
|
|
cynique requires comments from Tabulas users only. Please login or register an account.
